day! Monday, February 07, 2005
|
Uyyyyy! In love siya… Naku deny ka pa! Eh ano yang tighawat sa gitna ng mala – orange mong ilong? Aver? So sino naman ang ka – date mo this year, is it the same last year o may bago na? Ilang days na lang at Valentines’ Day na, so sino ang ka – date mo? Anong gimik ang swa-swak sa perfect dream date mo? Well kung wala ka pang idea what’s going on dahil ever busy ka sa studies o work mo. Try mo ang iba’t ibang gimik na ito. UV (Nope! Not Ultraviolet kundi University Valentines’) COUNCIL/ORGANIZATIONS Kung ikaw ay isang stud pa either in elementary, highschool or college at member ng student council you can try SWAK! (Sealed With A Kiss!) – a courier type na project na puwede ring fund raising drive for any future council project(gets?). Its so simple, magpagawa lang kayo ng kiss mark stamp sa inyong ever dear stamp maker at bumili ng stamp pad with red ink. Invite your friends from different colleges and courses na yung mga nahihiyang ipadala ang kanilang mga love letters, roses, chocolates and teddy bears para sa kanilang crush o crushes, loves and loveses, ay ipadala na lang sa SWAK!. Lahat ng dadaan sa inyong item ay dapat tatakan ng kiss mark, kaya nga Sealed With A Kiss ang theme eh. For every item na may Seal With A Kiss mark ay cost 5 pesos. At take note puwedeng puwede ang anonymous (kung ayaw niyong mabuking sa inyong crush), this is exclusively for those in love, in crush and in “friendship” daw. Just pen the name, course and section of your special someone. Ready na ang mga campus patrollers to route your gifts. Im sure ang unang makakareceive ng gift is yung mga crush ng bayan. Puwede ring magtinda ng roses, bears, chocolates and cards ang mga students. Mostly ang kinakagat ng mga students ay ang blue rose… Ehem wag niyong dadayain ang mga kapwa niyo students na sasabihing blue rose yun na ang totoo ay kinulayan lang. TEACHERS/PROFS Uhummm! Ito ang pwedeng gimik ng mga teachers na may mga students na cliffhanger ang dating mga grades o yung tipong may madugong classcard. Sir, Ma’am, pagsuotin niyo ng pulang outfit ang inyong mga mag – aaral. (Alam ko maraming magrereklamong estudyante dito). For every red pants, shirt, bull cap, wrist watch, shoes, socks, bracelet, lipstick, hair dye (kung allowed sa school), aba dapat may points yan dahil sayang ang effort ng mga estudyante niyo. Simple pero I’m sure daming students ang kakagat dito. Kesa naman sa “Quatro o Kuwarto” na ginagawa ng ibang sir at ma’am diyan. CANTEEN / KARINDIRYA / CAFETERIA Aba manong – manang, since increasing ang sales niyo every year sa padami ng padaming population ng mga stud. Magbigay din kayo ng konting pa gimik. Let the students feel that romance is the air sa inyong point point of return. Dapat ang deco niyo ay naglalagablab na hearts everywhere. At ang table ay lagyan niyo ng isang long stem rose, kung can’t afford kayo sa long stem na rose ay puwede na ang small candle na nakalutang sa water with petals from flowers. O kaya pa – dim light ka or candle light para tipid ka din sa kuryente pero romantic ang dating. Pa – free ka na rin ng mga chocolates yung heart shape para damang dama ng kumakain sa inyo ang inyong lubusang pagmamahal sa inyong mga ever loyal na customers. Magpa – alwan ka manang ng konti sa inyong kinikita at I’m sure mas maganda ang balik niyan sa iyo. LOVA-OPISINA Aba hindi rin naman siyempre papatalo ang mga adults (oooopps, medyo mahalay pakinggan, erase – erase – erase) gawin nating mature and professional people. So medyo out na ng konti ang ka – jologans ng pagiging students. Lets try a different approach. A professional jologs one. Since theme ng valentines day ay 1 plus 1 is equals 2, so wag mo itong gagawin sa sarili mo, lalo na sa mga girls, at lalong lalo na sa mga guys, dafat may ka – valentines talaga kayo, baka isipin ng mga people na sobrang desperate na kayo pagdating sa fag - ebeg.
You can send your special someone a surprise this valentines. A bouquet of flowers (wag naman korona…hindi naman siguro mukhang bangkay ang inyong jowa), whether white, blue, red, pink kung may makuha kang violet na flowers the better, wag rin na everlasting, kahit everlasting pa ang love mo sa kanya. Of course we have a wide range of flower shops around the metro like Designer Blooms di ba? Pero kung nag titipid ka, you can go sa market (hindi ko sinabing Market! Market!) basta sa mga Public Market or sa Dangwa. Kung sweet ang inyong special someone, send chocolates, may ferrero rocher na may heart shape na lalagyan, may kisses din with the same gimik. Or bake a chocolate cake or chocolate chips for her. At kung cuddly ang inyong mi amore (hindi mi amoy ha), chuckles, toy kingdom, blue magic and bear cuddler have wide range of teddy bears and stuff toys to choose from. Iba’t ibang kulay at iba’t ibang fur din meron. The bigger the better daw, sabi ng mga girls. Also pwede rin ang CD ng mga love songs, blouse, watch, skirt, ring(engagement), necklace, cards na may mga nakalagay na ever korni, baduy messages na straight from the heart ng isang umiirog, na isinulat pa niya at daig pa ang nagpa book review sa dami nang nag correct ng grammar pati spelling check. All of these, can be send personally, pero kung gusto niyo talaga ng may surprise puwedeng – puwede niyong ipadala through DHL, Fed – Ex, LBC, JRS, UPS, siyempre medyo may kamahalan na iyon. Puwede niyo ring i – try ang date, (marami ang ito ang gusto). Eto ang iba’t ibang date na magpapakilig ng v – day ng mga girlalu’s. Solitary type If you want the two of you to be alone, you share the night together on a hill top in Tagaytay or Antipolo or a building’s rooftop… overlooking with the gush of wind blowing to your face and to your hair. Puwede rin ang sa tabi ng dalampasigan, upo lang kayo sa sand with bonfire sa isang beach, sa Batangas, Cavite, Quezon or Cebu, Davao, or La Union. Alert lang baka madala kayo ng tsunami. Pero puwede din sa loob ng boarding house or dorm as long na walang tao, at hanggang usap lang ang gagawin niyo. Well, may discretion naman sa mga bagay na ganyan. Usap lang kayo dun with a bottle of wine and a sweet music sa background. At least, tahimik ang paligid, at kayo lang dalawa, you both have all the time in the world para mag usap. Mag plan about your future. PDA (Public Display of Affection) If you couples would like to share the Valentines day with the rest of the couples (at mang inggit sa mga soltero at soltera, bachelors and old maids), there are resto’s and bars that have serenades and mini concerts, tulad na lang sa Island Cove, sa Shangri La, sa Manila Pen, sa Westin, at marami pang place, sa Malate, Makati, Mandaluyong, basta diyan sa mga lugar na yan.
Puwede rin kayong magdate sa mcdo, or jollibee, or chowking, basta kung saan niyo both mas feel. At puwede rin kayong manood ng vcd, dvd o sine yun siyempreng romantic films tulad ng Dreamboy at Let the love begin. At puwede rin kayong maki – jamming with other love pairs sa close up’s lovapalooza. See posters, flyers and tv commercial for details na lang. “Strict ang Parents ko” Ito ay ugmang ugma sa mga may jowang under pa rin sa saya ng kani – kanilang mga magulang. Spend the valentines with her family, ipakita niyo mga guys na talagang mahal na mahal niyo ang girlfriend sa kanyang parents, at ipakita niyo rin na deserving kayo for your girl. Of course bring sometime for the family siyempre, like cakes or pastries. Fair and Square Aba – aba – aba! Teka muna mga girls, puro ata guys ang binabanggit ko na gagastos for valentines day. Dapat meron din kayong ibigay sa mga guys, mga girls. Sa Japan, kapag February 14, ang girls ang nagbibigay sa mga guys ng chocolates, at sometime in May naman ang guy ang nagbibigay sa girls ng chocolates, pero syempre hindi naman tayo hapon para gawin iyon dito sa pinas. Trivia yan. Anyway, mga girls, buy something naman for your boyfriend (lalo na dun sa lagi ang guy ang nagbibigay sa girl, kahit na birthday pa ng guy, guy pa rin ang nagbibigay sa girl). Know his likes, I’m sure sa tagal niyo namang magkasama, alam mo na ang foot size niya, kung small, medium, large, XL ang t – shirt o polo size niya, pati length ng pants niya. Yung favorite scent niya sa pabango, even naman yung favorite color niya. Try mo rin na ibili siya ng mga cd ng favorite rock band niya, or r and b craze niya. Why not cook something for him? Ang dami mo puwedeng gawin girl ngayong valentine to make him feel that you love him. Ngayong valentines lalabas ang lahat ng mga inlababo at mga may crush. Sobrang ring dami ang mga gimik na puwedeng gawin para mas maging special ang inyong someone or to make it more memorable sa inyong dalawa ang valentines na ito. Pero valentines man o hindi kung talagang nagmamahalan kayo lahat ng days kilig moments at valentines day. Love is in the air! Happy Valentines sa mga in - love at nd masyadong in love! |
| Leave a Comment: |