Entry: sumpit Thursday, February 03, 2005



Tang***!

Tarantadong elementary yun ah! Kapapalit lang ng uniporme ko ginawa nang parang mukha niyang puro tighawat.

Pinalamutian ng sagong binili kay Mang Rolly ang expert sa pisong sago na nakalagay sa plastik labo.

Ganito kasi yon...

Expert sa target shooting ang batang sumumpit sa akin. Nag aabang ako ng sasakyan pauwi nung second year hayskul palang ako. Ang magaling na elementary student na iyon sa tapat ng iskuwelahan namin ay galing sa three point country, inhale ng oxygen buga ng carbon dioxide with matching laway na infected ng plema, shoot na shoot sa sagong naka silid sa cylindrical tube ng straw.

TSU!

Ayun na nga, in just a split of a second, victim na ako at ang kawawa kong uniporme (na laba sa surf ng nanay kong wais), ng sumpit gang.

Sumpit gang na karamihang nakasakay sa shuttle jeep(na kadalasan ay aircontinuous) o tricycle. At pag nakatarget... Humahagalpak sa tawanan.

Pero hindi ako nagpapatalo. Promise!

Bumili ako sa Zagu. Ninamnam ko muna ang tamis at lamig ng sago shake nila at itinira ko ang sagong doble ang laki ng sagong lumipad at lumanding sa polo ko.

Sumakay ako ng tricycle.

Swerte sigurong matatawag, nakakakita ako ng isa sa mga members ng sumpit gang.

Higop ng giant sago...

Nilaro laro sa loob ng bibig... In english, coated with saliva.

Then, TSU!

Wooooooooooooooooooooohooooooooo! shoot sa noo ni member ng sumpit gang...

HAHAHAHA ang pinakawalan ko sa harap niya habang tumatakbo ang tricycle.

Sabay senyas ng f**k you!

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments