Entry: Ang pakikipagsapalaran ni Superclerk (ang pagpapatuloy...tabloidal issue no. 2) Thursday, February 03, 2005



Ang nakaraan…(sobrang tagal na)

 

Nakapulot si gretel ng ballpen na may genie at gusto siyang bayaran ni genie sa kanyang kindness na nagawa, kaya tinanong siya nito. Kaso sa ikatlong tatlong undecided si gretel kaya ito ay gumamit ng lifeline…at nag call a friend…

 

Sa pagpapatuloy…

 

Genie: Oh ano na? Ang bagal mo naman!

 

Gretel: eto na ang sagot ko!

 

Huminga si gretel ng malalim. At sumigaw.

 

Gretel: PROMOTION! Let me explain para sa masugid kong nag reply sa mga comments. Kasi ganito yon, pag napromote ka sa ating company malaki ang range ng increase mo sa evaluation compared sa increase ng isang clerk. Tumango kayo mga audience…Tama ako di ba?

 

Kumunot ang noo ni genie at tiningnan ang ambisyosang kausap. Since, naging mabait naman ito sa ballpen niyang tirahan, kaya pagbibigyan nya ito sa kanyang kahilingan. At saka baka sabihin ni gretel na walang credit inside si genie. Isa rin iyon sa na – consider ni genie.

 

“Ok pagbibigyan kita sa hiling mo.”

 

Ipinorma ni genie ang kanyang magic wand na ballpen, ipinoit kay gretel sabay sabing…

 

“One (sabay ikot ng wand na ballpen), two (ikot ulit ng wand na ballpen), three (at itinuro ang ballpen kay gretel)”

 

Nilamon ng usok ang buong paligid. Nakakahika. Nakakasuka.

 

Pagkatapos niyon ay…

 

“Bakit parang walang nangyari?” tanong ni gretel.

 

“LOKA! Powers ang ibinigay ko sa iyo.” Sagot ni genie.

 

“Powers?” kulit ulit ni gretel (actually makulit talaga siya).

 

“Korek ka diyan! May powers ka na!”

 

“Where? How? Why? At huli, Huwaaaaaaaaaaaaat?! Powers?” tanong ulit ng makulit na si gretel.

 

“Whoa! Wait lang girl ha… One – one lang ang question. Una ang where… Its in your body na girlalu. Second how…Aba of course I have powers, and with the powers vested upon me  I gave some to you as my way of saying thanks to you. And why, kasi you’re so kind and so good to me. I’m deeply touched for what you have done. Lastly, what… it’s a kind of power that will do justice to all mankind. Any questions pa ba?”

 

Tumungo si gretel pawang nag isip isip. Parang hindi niya mapaniwalaan ang nangyayari sa kanya sa umagang iyon.

 

“Gising ba ako?” At sinampal sampal ni gretel ang kanyang sarili.

 

“Bangenge ka talaga! Girlalu! Gising ka noh. At hindi ka kaluluwa, you’re alive, alert awake, enthusiastic.” Sagot ni genie.

 

“I have to go na. I you need help just call my name ha and I’ll be there to help you. Ba – bu!” paalam ni genie.

 

“Wait lang. Pa’no ako kikilos and everything?” tanong ulet ng pgkakulet kulet na si gretel.

 

“Act as if wala lang at sobrang sikretong malupit ito! I have to go na kasi someone’s coming.” Paalam na ulit ni genie.

 

Naglaho na itong parang bula. At biglang may dumating nga…

 

“Ma’am gretel bubuksan na ho ba ang ilaw?” tanong ni manang guard.

 

“Mamaya na lang ho pag time na.” Sagot ni gretel.

 

“Ma’am ok lang kayo?” tanong ulit ng guwardiya.

 

“Ok naman po.” Sagot ni gretel.

 

“Pasensya na po kung naitanong ko, para po kasing nakakit kayo ng multo eh.” Tumalikod na ang guwardiya at lumabas ng pinto.

 

Actually hindi multo ang nakita ko, isang genie. Isang genie na nagbigay sa akin ng powers. Powers na hindi ko alam kung paano gawin. At powers na hindi ko alam kung anong powers yun. Paano na itich? Baka mawarla ako…

 

Ano ang susunod na pangyayari?

 

Abangan…

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments