huwag muna ngayon Monday, January 31, 2005
|
Ewan ko ba kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon. Parang laging de motivated ako at wala sa sariling wisyo. In other terms, naka screensaver mode ang utak ko. Hindi rin ako mapa itlog. Panay ang tayo upo, upo tayo ko sa swivel chair na mas matanda pa sa akin dito sa opisinang pinagtratrabahuhan ko. Nakatitig lang ako sa monitor. Hindi ko feel mag internet, hindi ko rin feel mag e mail at lalong hindi ko feel magtrabaho. Wala! Basta wala akong feel gawin ngayon. Epekto ba ito ng buwan? Marahil, dahil Monday ngayon (kung natatawa ka, pwes! Hindi joke yun). Unang araw ng pagpasok, at siyempre nakakatamad at may hang over pa ng nagdaang weekend. Sinong tututol? Wala di ba? Kasi pare pareho tayo ng nararamdaman ngayon. Panay ang kapa ko sa mukha ko, tsine tsek kung may pimples na sumusulpot. Yuck! Kadiri talaga ang pimples parang volcano pag nahinog noh, nag ssplat ng mga lava. Ewwwww! Wala naman akong ganong pimples, trip ko lang para may gawin. Safe! Parang gusto kong kumain. Pero ano? Saan? Pizza hut? As usual ang ever favorite kong cheesy crust pizza at ang super anghang na hot sauce. Pwe! Pwe! Pwe! Ang mahal naman. Ayoko naman ng Mr. Mappy, basta pizza, pizza hut lang. Basta ang mahal ng pizza hut at ang laki ng service charge nila ha. Tapos na ang suweldo so konti na lang ang pera ko. Hindi na magkakasya ito sa 9 days, kung mag pipizza hut pa ako. Cake? Red ribbon? Uhuuuum! Parang masarap nga lalo na yung black forest nila o kaya yung mango cake nila o well kahit nga yung banana crunch nila para tipid. Pero saan naman? Ang layo ng resto nila mula sa place ko. Utak ka! Ka shoray ang day! Kawarla ang mga moments. Good for tulala moods lang, yung tipong wala kang iniisip. Naka tingin ka lang sa kawalan, anywhere. Ayokong mag bird watching, walang kapapahan, ayokong near the beach malagkit sa katawan. Gusto ko na nakatitig sa malayo, puwede na sa Tagaytay, para abot hanggang Batangas. Titig lang ha, puwera isip. Ayokong mag isip. Gusto ko ng payapa. |
| glen January 31, 2005 12:41 PM PST you're feeling indifferent. that's normal, especially on a monday. hope things get better for you soon though! | ||
| Leave a Comment: |