Entry: sulat para sa 'sulat' Thursday, January 27, 2005



akala ko sa comment link lang ako makakakuha ng feedback o ng comment.
pero nagulat ako isang araw, na parang isang magnanakaw na dumating
ang sulat na ito sa inbox folder ng email ko.

and it taught me everything i need to know from a friend, a sister and a mother.

nakakaiyak. (ang babaw tlga ng luha ko.)

i did not ask for her permission, its just my way of saying 'thanks'

here's her sulat para sa 'sulat' (my blog entry last week)

=============================================================

grets, nagbasa ako sa blog mo today.
sorry ngayon lang ako may time, ganyan naman ako parati db?
 
lahat tayo may problem, lahat tayo maraming hindi maintindihan
kasi nakafocus tayo sa problem hindi sa sasarili natin.
 
grets, you should be thankful to your parents.
tandaan mo wlang silang ginagawa na hindi nakakabuti sa iyo.
Simula sa pagsilang mo hanggang ngayong oras na ito.
 
ina narin ako, wala akong inisip kundi para sa mga anak ko.
para sa kabutihan ng anak ko, kasi mahal na mahal ko sila.
kung paano iyong pagmamahal na iyon, hindi ko alam kung nakikita nila.
 
dumaan na rin ako sa malaking pagsubok sa buhay, pero heto ako nakatayo parin.
bakit? dahil sa walang sawang galit at pangaral ng mga magulang ko mula noon at  hanggang ngayon.
 
makakairita, makakarindi, makakainis, lahat sayo mali....
bakit mali? ikaw ang sumagot....hindi mo masagot?
 
mahirap isipin kung bakit, kasi sa totoo lang hindi ung bakit ang iniisip mo kundi iyong mga makapaligid sa bakit na iyon.
 
ganyan talaga ang buhay, lahat hindi naaayon sa gusto mo. kasi may dahilan....
 
magdasal ka, wlang ibang makakasagot ng tinatanung mo kundi ikaw at ang Panginoon.
 
maghintay ka, hwag kang magmadali... yaan ang dapat mong matutunan sa buhay.
 
at isa pa, may mga bagay na dapat ikaw lang ang nakakaalam at D'yos. kailangan mo din yan matutunan at ipamuhay.
 
payo lang bilang kapatid,
**********

===============================================================

marahil tatanungin niyo ako kung sino siya?



sikretong malupit




   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments