Entry: Ful Mun Wednesday, January 26, 2005



Hopiang Baboy ang hapunan ko

Habang hinihintay kita

Sa gilid ng baywalk

At nakaupo sa bakal na bangko

 

Hinigop ko ang king size na plus

Habang dumadaan ang magbabalot

Pero wala ka pa rin

Dahil sa text mo

Na- sandwich ka sa naggigitgitang traffic

 

Malansa ang amoy ng dagat

Tuwing dadapo ito sa bagong facial kong mukha

Feeling ko’y humuhulas ang palitada

Ng pisngi kong para ding buwan

Ang hitsura

 

Tumingin ako sa kanan

Nag – about face ako sa kaliwa

180 degrees ang ikot ng ulong

Panay ang palinga linga

Habang iniintay kita

 

Fotah! matagal ka pa ba?

Nanggigigil na ako

Nag iinit

Tirik na ang buwan

Simula na ng pag iigib ko

 

800 pag all the way

500 pag necking lang

pero pag type kita

all expense paid

minsan pa ay tax free

 

kung barat ka

uuratin kita

hindi pang international ang performance

nitong master sa kama

 

pero kung ikaw ay playful

paglalaruan din kita

kaya kong mag metro until five K

kung ako’y wild at ikaw ay tame

 

Pero wala ka pa rin

Ok lang victim

I can wait for someone

Who could do a wild chase

With me in bed

Under the silent moaning roof

Of the Ful Mun

 

 

 

   0 comments

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments