SANDALI LANG Tuesday, January 25, 2005
|
Huwag mo akong talikuran Huwag mo ring ihakbang Ang mga paang lumalayo sa akin Diktahan mo ito At piliting ako’y wag iwanan Pigilan mo ang iyong damdamin Utusan mo ang pusong Hindi na nagmamahal sa akin Pakiusapan mo ito At sabihing ako pa rin Kulang nga siguro Marahil mali na rin ako Nagkukulang Sa pag ibig na gustong Ilaan sa iyo Ikaw na pilit Isinisigaw Nakatatak sa pusong Minsan lang Makadama ng ganito Wag ka munang umalis Wag mo muna akong iwanan Hayaan mong ipadama ko ulit Ang mga minsan kong iniwasang Ipadama sa isang tulad mo Na iiwan lang ako Sa oras na may makita kang Mamahalin mo Na higit sa akin At sa pagmamahal ko |
| pnut gritil January 27, 2005 05:53 PM PST hunterseeker! may pinagmanahan pala ako...hehehehe | ||
| =) January 27, 2005 03:37 PM PST Ang mahilig mangarap at managinip nang gising... hunterseeker po... at your service. heheh! | ||
| pnut gritil January 26, 2005 06:21 PM PST wow! cno ka po? pakilala ka nmn... | ||
| Name January 26, 2005 06:09 PM PST Uy ha! always inspired... =) | ||
| Leave a Comment: |