day!Uyyyyy! In love siya… Naku deny ka pa! Eh ano yang tighawat sa gitna ng mala – orange mong ilong? Aver?
So sino naman ang ka – date mo this year, is it the same last year o may bago na?
Ilang days na lang at Valentines’ Day na, so sino ang ka – date mo? Anong gimik ang swa-swak sa perfect dream date mo?
Well kung wala ka pang idea what’s going on dahil ever busy ka sa studies o work mo. Try mo ang iba’t ibang gimik na ito.
UV (Nope! Not Ultraviolet kundi University Valentines’)
COUNCIL/ORGANIZATIONS
Kung ikaw ay isang stud pa either in elementary, highschool or college at member ng student council you can try SWAK! (Sealed With A Kiss!) – a courier type na project na puwede ring fund raising drive for any future council project(gets?). Its so simple, magpagawa lang kayo ng kiss mark stamp sa inyong ever dear stamp maker at bumili ng stamp pad with red ink. Invite your friends from different colleges and courses na yung mga nahihiyang ipadala ang kanilang mga love letters, roses, chocolates and teddy bears para sa kanilang crush o crushes, loves and loveses, ay ipadala na lang sa SWAK!. Lahat ng dadaan sa inyong item ay dapat tatakan ng kiss mark, kaya nga Sealed With A Kiss ang theme eh. For every item na may Seal With A Kiss mark ay cost 5 pesos. At take note puwedeng puwede ang anonymous (kung ayaw niyong mabuking sa inyong crush), this is exclusively for those in love, in crush and in “friendship” daw. Just pen the name, course and section of your special someone. Ready na ang mga campus patrollers to route your gifts.
Im sure ang unang makakareceive ng gift is yung mga crush ng bayan.
Puwede ring magtinda ng roses, bears, chocolates and cards ang mga students. Mostly ang kinakagat ng mga students ay ang blue rose… Ehem wag niyong dadayain ang mga kapwa niyo students na sasabihing blue rose yun na ang totoo ay kinulayan lang.
TEACHERS/PROFS
Uhummm! Ito ang pwedeng gimik ng mga teachers na may mga students na cliffhanger ang dating mga grades o yung tipong may madugong classcard. Sir, Ma’am, pagsuotin niyo ng pulang outfit ang inyong mga mag – aaral. (Alam ko maraming magrereklamong estudyante dito). For every red pants, shirt, bull cap, wrist watch, shoes, socks, bracelet, lipstick, hair dye (kung allowed sa school), aba dapat may points yan dahil sayang ang effort ng mga estudyante niyo. Simple pero I’m sure daming students ang kakagat dito. Kesa naman sa “Quatro o Kuwarto” na ginagawa ng ibang sir at ma’am diyan.
CANTEEN / KARINDIRYA / CAFETERIA
Aba manong – manang, since increasing ang sales niyo every year sa padami ng padaming population ng mga stud. Magbigay din kayo ng konting pa gimik. Let the students feel that romance is the air sa inyong point point of return. Dapat ang deco niyo ay naglalagablab na hearts everywhere. At ang table ay lagyan niyo ng isang long stem rose, kung can’t afford kayo sa long stem na rose ay puwede na ang small candle na nakalutang sa water with petals from flowers. O kaya pa – dim light ka or candle light para tipid ka din sa kuryente pero romantic ang dating. Pa – free ka na rin ng mga chocolates yung heart shape para damang dama ng kumakain sa inyo ang inyong lubusang pagmamahal sa inyong mga ever loyal na customers. Magpa – alwan ka manang ng konti sa inyong kinikita at I’m sure mas maganda ang balik niyan sa iyo.
LOVA-OPISINA
Aba hindi rin naman siyempre papatalo ang mga adults (oooopps, medyo mahalay pakinggan, erase – erase – erase) gawin nating mature and professional people. So medyo out na ng konti ang ka – jologans ng pagiging students.
Lets try a different approach. A professional jologs one.
Since theme ng valentines day ay 1 plus 1 is equals 2, so wag mo itong gagawin sa sarili mo, lalo na sa mga girls, at lalong lalo na sa mga guys, dafat may ka – valentines talaga kayo, baka isipin ng mga people na sobrang desperate na kayo pagdating sa fag - ebeg.
You can send your special someone a surprise this valentines. A bouquet of flowers (wag naman korona…hindi naman siguro mukhang bangkay ang inyong jowa), whether white, blue, red, pink kung may makuha kang violet na flowers the better, wag rin na everlasting, kahit everlasting pa ang love mo sa kanya. Of course we have a wide range of flower shops around the metro like Designer Blooms di ba? Pero kung nag titipid ka, you can go sa market (hindi ko sinabing Market! Market!) basta sa mga Public Market or sa Dangwa.
Kung sweet ang inyong special someone, send chocolates, may ferrero rocher na may heart shape na lalagyan, may kisses din with the same gimik. Or bake a chocolate cake or chocolate chips for her.
At kung cuddly ang inyong mi amore (hindi mi amoy ha), chuckles, toy kingdom, blue magic and bear cuddler have wide range of teddy bears and stuff toys to choose from. Iba’t ibang kulay at iba’t ibang fur din meron. The bigger the better daw, sabi ng mga girls.
Also pwede rin ang CD ng mga love songs, blouse, watch, skirt, ring(engagement), necklace, cards na may mga nakalagay na ever korni, baduy messages na straight from the heart ng isang umiirog, na isinulat pa niya at daig pa ang nagpa book review sa dami nang nag correct ng grammar pati spelling check.
All of these, can be send personally, pero kung gusto niyo talaga ng may surprise puwedeng – puwede niyong ipadala through DHL, Fed – Ex, LBC, JRS, UPS, siyempre medyo may kamahalan na iyon.
Puwede niyo ring i – try ang date, (marami ang ito ang gusto). Eto ang iba’t ibang date na magpapakilig ng v – day ng mga girlalu’s.
Solitary type
If you want the two of you to be alone, you share the night together on a hill top in Tagaytay or Antipolo or a building’s rooftop… overlooking with the gush of wind blowing to your face and to your hair. Puwede rin ang sa tabi ng dalampasigan, upo lang kayo sa sand with bonfire sa isang beach, sa Batangas, Cavite, Quezon or Cebu, Davao, or La Union. Alert lang baka madala kayo ng tsunami. Pero puwede din sa loob ng boarding house or dorm as long na walang tao, at hanggang usap lang ang gagawin niyo. Well, may discretion naman sa mga bagay na ganyan. Usap lang kayo dun with a bottle of wine and a sweet music sa background. At least, tahimik ang paligid, at kayo lang dalawa, you both have all the time in the world para mag usap. Mag plan about your future.
PDA (Public Display of Affection)
If you couples would like to share the Valentines day with the rest of the couples (at mang inggit sa mga soltero at soltera, bachelors and old maids), there are resto’s and bars that have serenades and mini concerts, tulad na lang sa Island Cove, sa Shangri La, sa Manila Pen, sa Westin, at marami pang place, sa Malate, Makati, Mandaluyong, basta diyan sa mga lugar na yan.
Puwede rin kayong magdate sa mcdo, or jollibee, or chowking, basta kung saan niyo both mas feel. At puwede rin kayong manood ng vcd, dvd o sine yun siyempreng romantic films tulad ng Dreamboy at Let the love begin.
At puwede rin kayong maki – jamming with other love pairs sa close up’s lovapalooza. See posters, flyers and tv commercial for details na lang.
“Strict ang Parents ko”
Ito ay ugmang ugma sa mga may jowang under pa rin sa saya ng kani – kanilang mga magulang. Spend the valentines with her family, ipakita niyo mga guys na talagang mahal na mahal niyo ang girlfriend sa kanyang parents, at ipakita niyo rin na deserving kayo for your girl. Of course bring sometime for the family siyempre, like cakes or pastries.
Fair and Square
Aba – aba – aba! Teka muna mga girls, puro ata guys ang binabanggit ko na gagastos for valentines day. Dapat meron din kayong ibigay sa mga guys, mga girls. Sa Japan, kapag February 14, ang girls ang nagbibigay sa mga guys ng chocolates, at sometime in May naman ang guy ang nagbibigay sa girls ng chocolates, pero syempre hindi naman tayo hapon para gawin iyon dito sa pinas. Trivia yan. Anyway, mga girls, buy something naman for your boyfriend (lalo na dun sa lagi ang guy ang nagbibigay sa girl, kahit na birthday pa ng guy, guy pa rin ang nagbibigay sa girl). Know his likes, I’m sure sa tagal niyo namang magkasama, alam mo na ang foot size niya, kung small, medium, large, XL ang t – shirt o polo size niya, pati length ng pants niya. Yung favorite scent niya sa pabango, even naman yung favorite color niya. Try mo rin na ibili siya ng mga cd ng favorite rock band niya, or r and b craze niya. Why not cook something for him? Ang dami mo puwedeng gawin girl ngayong valentine to make him feel that you love him.
Ngayong valentines lalabas ang lahat ng mga inlababo at mga may crush. Sobrang ring dami ang mga gimik na puwedeng gawin para mas maging special ang inyong someone or to make it more memorable sa inyong dalawa ang valentines na ito. Pero valentines man o hindi kung talagang nagmamahalan kayo lahat ng days kilig moments at valentines day.
Love is in the air! Happy Valentines sa mga in - love at nd masyadong in love!
sumpit
Ang pakikipagsapalaran ni Superclerk (ang pagpapatuloy...tabloidal issue no. 2)Ang nakaraan…(sobrang tagal na)
Nakapulot si gretel ng ballpen na may genie at gusto siyang bayaran ni genie sa kanyang kindness na nagawa, kaya tinanong siya nito. Kaso sa ikatlong tatlong undecided si gretel kaya ito ay gumamit ng lifeline…at nag call a friend…
Sa pagpapatuloy…
Genie: Oh ano na? Ang bagal mo naman!
Gretel: eto na ang sagot ko!
Huminga si gretel ng malalim. At sumigaw.
Gretel: PROMOTION! Let me explain para sa masugid kong nag reply sa mga comments. Kasi ganito yon, pag napromote ka sa ating company malaki ang range ng increase mo sa evaluation compared sa increase ng isang clerk. Tumango kayo mga audience…Tama ako di ba?
Kumunot ang noo ni genie at tiningnan ang ambisyosang kausap. Since, naging mabait naman ito sa ballpen niyang tirahan, kaya pagbibigyan nya ito sa kanyang kahilingan. At saka baka sabihin ni gretel na walang credit inside si genie. Isa rin iyon sa na – consider ni genie.
“Ok pagbibigyan kita sa hiling mo.”
Ipinorma ni genie ang kanyang magic wand na ballpen, ipinoit kay gretel sabay sabing…
“One (sabay ikot ng wand na ballpen), two (ikot ulit ng wand na ballpen), three (at itinuro ang ballpen kay gretel)”
Nilamon ng usok ang buong paligid. Nakakahika. Nakakasuka.
Pagkatapos niyon ay…
“Bakit parang walang nangyari?” tanong ni gretel.
“LOKA! Powers ang ibinigay ko sa iyo.” Sagot ni genie.
“Powers?” kulit ulit ni gretel (actually makulit talaga siya).
“Korek ka diyan! May powers ka na!”
“Where? How? Why? At huli, Huwaaaaaaaaaaaaat?! Powers?” tanong ulit ng makulit na si gretel.
“Whoa! Wait lang girl ha… One – one lang ang question. Una ang where… Its in your body na girlalu. Second how…Aba of course I have powers, and with the powers vested upon me I gave some to you as my way of saying thanks to you. And why, kasi you’re so kind and so good to me. I’m deeply touched for what you have done. Lastly, what… it’s a kind of power that will do justice to all mankind. Any questions pa ba?”
Tumungo si gretel pawang nag isip isip. Parang hindi niya mapaniwalaan ang nangyayari sa kanya sa umagang iyon.
“Gising ba ako?” At sinampal sampal ni gretel ang kanyang sarili.
“Bangenge ka talaga! Girlalu! Gising ka noh. At hindi ka kaluluwa, you’re alive, alert awake, enthusiastic.” Sagot ni genie.
“I have to go na. I you need help just call my name ha and I’ll be there to help you. Ba – bu!” paalam ni genie.
“Wait lang. Pa’no ako kikilos and everything?” tanong ulet ng pgkakulet kulet na si gretel.
“Act as if wala lang at sobrang sikretong malupit ito! I have to go na kasi someone’s coming.” Paalam na ulit ni genie.
Naglaho na itong parang bula. At biglang may dumating nga…
“Ma’am gretel bubuksan na ho ba ang ilaw?” tanong ni manang guard.
“Mamaya na lang ho pag time na.” Sagot ni gretel.
“Ma’am ok lang kayo?” tanong ulit ng guwardiya.
“Ok naman po.” Sagot ni gretel.
“Pasensya na po kung naitanong ko, para po kasing nakakit kayo ng multo eh.” Tumalikod na ang guwardiya at lumabas ng pinto.
Actually hindi multo ang nakita ko, isang genie. Isang genie na nagbigay sa akin ng powers. Powers na hindi ko alam kung paano gawin. At powers na hindi ko alam kung anong powers yun. Paano na itich? Baka mawarla ako…
Ano ang susunod na pangyayari?
huwag muna ngayon
Ewan ko ba kung bakit ganito ang nangyayari sa akin ngayon.
Parang laging de – motivated ako at wala sa sariling wisyo. In other terms, naka – screensaver mode ang utak ko.
Hindi rin ako mapa – itlog. Panay ang tayo – upo, upo – tayo ko sa swivel chair na mas matanda pa sa akin dito sa opisinang pinagtratrabahuhan ko. Nakatitig lang ako sa monitor. Hindi ko feel mag internet, hindi ko rin feel mag e – mail at lalong hindi ko feel magtrabaho. Wala! Basta wala akong feel gawin ngayon.
Epekto ba ito ng buwan? Marahil, dahil Monday ngayon (kung natatawa ka, pwes! Hindi joke yun). Unang araw ng pagpasok, at siyempre nakakatamad at may hang over pa ng nagdaang weekend. Sinong tututol? Wala di ba? Kasi pare – pareho tayo ng nararamdaman ngayon.
Panay ang kapa ko sa mukha ko, tsine – tsek kung may pimples na sumusulpot. Yuck! Kadiri talaga ang pimples parang volcano pag nahinog noh, nag ssplat ng mga lava. Ewwwww! Wala naman akong ganong pimples, trip ko lang para may gawin. Safe!
Parang gusto kong kumain. Pero ano? Saan?
Pizza hut? As usual ang ever favorite kong cheesy crust pizza at ang super anghang na hot sauce. Pwe! Pwe! Pwe! Ang mahal naman. Ayoko naman ng Mr. Mappy, basta pizza, pizza hut lang. Basta ang mahal ng pizza hut at ang laki ng service charge nila ha. Tapos na ang suweldo so konti na lang ang pera ko. Hindi na magkakasya ito sa 9 days, kung mag pipizza hut pa ako.
Cake? Red ribbon? Uhuuuum! Parang masarap nga lalo na yung black forest nila o kaya yung mango cake nila…o well kahit nga yung banana crunch nila para tipid. Pero saan naman? Ang layo ng resto nila mula sa place ko.
Utak ka! Ka – shoray ang day! Kawarla ang mga moments. Good for tulala moods lang, yung tipong wala kang iniisip. Naka tingin ka lang sa kawalan, anywhere. Ayokong mag bird watching, walang kapapahan, ayokong near the beach malagkit sa katawan. Gusto ko na nakatitig sa malayo, puwede na sa Tagaytay, para abot hanggang Batangas. Titig lang ha, puwera isip. Ayokong mag – isip. Gusto ko ng payapa.
sulat para sa 'sulat'
Ful MunHopiang Baboy ang hapunan ko
Habang hinihintay kita
Sa gilid ng baywalk
At nakaupo sa bakal na bangko
Hinigop ko ang king size na plus
Habang dumadaan ang magbabalot
Pero wala ka pa rin
Dahil sa text mo
Na- sandwich ka sa naggigitgitang traffic
Malansa ang amoy ng dagat
Tuwing dadapo ito sa bagong facial kong mukha
Feeling ko’y humuhulas ang palitada
Ng pisngi kong para ding buwan
Ang hitsura
Tumingin ako sa kanan
Nag – about face ako sa kaliwa
180 degrees ang ikot ng ulong
Panay ang palinga linga
Habang iniintay kita
Fotah! matagal ka pa ba?
Nanggigigil na ako
Nag iinit
Tirik na ang buwan
Simula na ng pag iigib ko
800 pag all the way
500 pag necking lang
pero pag type kita
all expense paid
minsan pa ay tax free
kung barat ka
uuratin kita
hindi pang international ang performance
nitong master sa kama
pero kung ikaw ay playful
paglalaruan din kita
kaya kong mag metro until five K
kung ako’y wild at ikaw ay tame
Pero wala ka pa rin
Ok lang victim
I can wait for someone
Who could do a wild chase
With me in bed
Under the silent moaning roof
Of the Ful Mun
ang akda ni utoy buloy (translated)
ang akda ni utoy buyoy
SANDALI LANGHuwag mo akong talikuran
Huwag mo ring ihakbang
Ang mga paang lumalayo sa akin
Diktahan mo ito
At piliting ako’y wag iwanan
Pigilan mo ang iyong damdamin
Utusan mo ang pusong
Hindi na nagmamahal sa akin
Pakiusapan mo ito
At sabihing ako pa rin
Kulang nga siguro
Marahil mali na rin ako
Nagkukulang
Sa pag ibig na gustong
Ilaan sa iyo
Ikaw na pilit
Isinisigaw
Nakatatak sa pusong
Minsan lang
Makadama ng ganito
Wag ka munang umalis
Wag mo muna akong iwanan
Hayaan mong ipadama ko ulit
Ang mga minsan kong iniwasang
Ipadama sa isang tulad mo
Na iiwan lang ako
Sa oras na may makita kang
Mamahalin mo
Na higit sa akin
At sa pagmamahal ko